Saturday, February 24, 2007

Just Plain Coffee





















Darkly brewed
Freshly extracted from the sacrificial beans
Drained to continual drip
Flowing through the filter

        Whispering…wake up!


The aroma in the salubrious air
Escaped recently from volcanic boil
Rising vapors over the earthen cup
Diminishing waves on the air-liquid interface

        Telling…wake up!


Strongly bitter, immaculately unsweetened
Black but not of macabre, no imminent horror
Shot of caffeine, satisfyingly addictive
For the yielding eyes challenged by drowsiness

Shouting…wake up!


Multo


Sa una’t sa sapul sa buhay ng tao
May multo nang laging nakagabay
Kasa-kasama, bitbit-bitbit
Parang butiking sa dingding nakadikit
Mula pagkabata hanggang pagtanda



Ang multo sa mga bata
Multong likha ng mga nakatatanda
“Tahan na kundi darating ang mga mumu”
“Nangunguha sila ng bata, tahan na”
Ang multong epektibo sa pagpapasunod ng mga bata



Ang multo sa mga dalaga’t binata
Multong minsang kinatatakutan
Ngayo’y kaya ng harapin at tapatan
Ng walang takot at kaba
Ang multong kahit hintayin, di dumarating



Ang multo ng mga matatanda
Multong sila mismo ang naghahanap at may gawa
Kaiba sa likha nilang multo para sa mga bata
Anak ng kasalanan, prutas ng puno ng sobrang yabang
Ang multong di madaling paalisin



Iba’t ibang anyo ng multo
Nakakatakot, mailap, bunga ng poot
Multong peke, multong totoo
Multong pansamantala, multong pangmatagalan
Ang multong sa mga tao sumisipsip ng buhay

Friday, February 23, 2007

DASAL


Ama
Papuri sa Inyo
Ikinagagalak ko
Na ang oras na ito
Ay isang komunikasyon sa Inyo

Ama
Maraming salamat
Sa mga umaapaw na biyaya
Ninyo sa akin araw-araw
Sa aking malusog na pamilya
At mga kaibigan
Salamat sa kahapon…
Ngayon…
Bukas…

Kahit na ang kahapon
Ay isang eksenang
Punong-puno ng hapis
Hapis ng sugatang puso
Pusong walang tigil magmahal
Pagmamahal na walang patutunguhan

Kahit na ang ngayon
Ay panahon lamang ng paghilom
Ng isang puso
Pusong napapagod din pala
Napapagod at nagdedeliryo
Parang mamatay na

Kahit na ang bukas
Na may kasiguruhan
Na ang pusong kahapon na nasaktan
Na ngayon ay naghihilom
Ay magmamahal muli
Naku! Pusong di natuto
Patuloy pa rin sa paghahanap
Ng sariling bangin

Ama
Maraming salamat
Dahil ang puso ay may sirkulo
Ang ikot
Magmamahal
Masasaktan
Maghihilom
At babalik na naman sa simula
Magmamahal
Masasaktan
Maghihilom

Ama
Maraming salamat
Na kahit ako ay di mapalad
Sa naturang sirkulo sa aking puso
At pagkatao
Ay nariyan pa rin kayo
Para sa akin
Sa buong sanlibutan
Hindi napapagod sa sirkulo

Ang sirkulo
Magmamahal
Masasaktan
Maghihilom
At iikot muli

Amen.

(Pebrero 23, 2007)