Sunday, January 21, 2007

Finding Love (Again?)


You are the sun that brightens my moon
I reflect your happiness, your smile
The stars around us keep on twinkling
For they are my allies knowing –
 How much bliss I feel in your presence.

But we are like the major components of the universe
You are the non-living; I the living
I am the one with feelings for you
You are of precious handsomeness but –
 You can never return my love so deep.

You are a rock; more fortunate against others, you are a diamond
With this, you arrested my attention
I looked upon you with a weak heart
Enough for me to ponder –
 How sweet we will be together forever.

But then, you were always just passive
I, active, always making heat
You were just emitting them
You are static; I dynamic –
 How I wish gravity pull us together.

But then I am always the artist
You are the mathematician, the scientist in his lab
You calculate your thoughts, pondering on the why’s and how’s of things
But I so melodramatic, finding love (again?) –
 The love I found in you.

Paskong Nag-iisa


Wala ng Paskong mas sasaya kung ikaw ang kapiling
Ang Pasko’y iinit kung ikaw ang katabi
Oo nga’t naririyan mga kamag-anak at kaibigan
Ngunit ang Pasko’y kulang kung wala ka sa bilang

Sa bata ang Paskong puno ng pagkain at regalo’y sapat na
Ngunit pagsapit ng bente at may iniibig, ang Pasko’y ibang iba
Dapat naririyan ang ginigiliw kahit wala na ang iba
Pwede ng kahit walang regalo basta’t haplos mo ang kamay niya.

Bakit nga ba pag tumatanda na mahirap ng makamit ang kasiyahan
Di tulad ng bata, pag may kendi’t tsokolate’y tuwang tuwa na
Ang matanda sa pagsapit ng Pasko minsa’y wala ng gana
Ngunit kapag may iniibig, at nasa kanyang piling, ang Pasko’y parang piyesta

Subalit ang problema’y pumamapasok kapag ang ginigiliw ay out of reach
Ni text ng Merry Christmas! ay di man lang makamit
Parang tuloy ang mukha’y Santa Claus na nalugi
Bakit nga ba ang tiyan ay madaling busugin kaysa damdamin?

Isang Pag-ibig na (Walang) Patutunguhan


Bitbit mo and kariktan ng mundo
Na s’yang nagbibigay-linaw sa pagod na mga mata ko
Suot mo ang barong may-angking PINAKAmayuming disenyo
Nais kitang ternuhan ngunit laging iisa lamang ang PINAKA sa mundo

Ibig kong sungkitin ang prutas ng ‘yong mga magulang
Walang kaparis sa aking mga nakadaupang-palad
Ngunit ang panungkit ay maigsi
Di sapat upang ika’y aking maangkin

Ikaw ang ilaw na aking pinili
Sa dinami-raming lampara, ako sayo lamang lumapit
Pagkat ang ilaw mo’y may kakaibang init
Ngunit ako sayo’y napaso, nasunog, hapis ang sinapit

Isa lamang ako sa mga nilalang
Gawa ni Bathala na walang kapara
Gayun din ikaw, likha lamang
At Siya – di ako, di ikaw – ang magtatakda ng mga magkakatuluyan

Ang panterno mahirap mayari
Ang panungkit, di sapat, maigsi
Ang lampara, sa gamu-gamo’y may distansya pa rin
At ang Diyos na makapangyarihan, may sariling mithiin