Sunday, January 21, 2007

Isang Pag-ibig na (Walang) Patutunguhan


Bitbit mo and kariktan ng mundo
Na s’yang nagbibigay-linaw sa pagod na mga mata ko
Suot mo ang barong may-angking PINAKAmayuming disenyo
Nais kitang ternuhan ngunit laging iisa lamang ang PINAKA sa mundo

Ibig kong sungkitin ang prutas ng ‘yong mga magulang
Walang kaparis sa aking mga nakadaupang-palad
Ngunit ang panungkit ay maigsi
Di sapat upang ika’y aking maangkin

Ikaw ang ilaw na aking pinili
Sa dinami-raming lampara, ako sayo lamang lumapit
Pagkat ang ilaw mo’y may kakaibang init
Ngunit ako sayo’y napaso, nasunog, hapis ang sinapit

Isa lamang ako sa mga nilalang
Gawa ni Bathala na walang kapara
Gayun din ikaw, likha lamang
At Siya – di ako, di ikaw – ang magtatakda ng mga magkakatuluyan

Ang panterno mahirap mayari
Ang panungkit, di sapat, maigsi
Ang lampara, sa gamu-gamo’y may distansya pa rin
At ang Diyos na makapangyarihan, may sariling mithiin

No comments: