Wala ng Paskong mas sasaya kung ikaw ang kapiling
Ang Pasko’y iinit kung ikaw ang katabi
Oo nga’t naririyan mga kamag-anak at kaibigan
Ngunit ang Pasko’y kulang kung wala ka sa bilang
Sa bata ang Paskong puno ng pagkain at regalo’y sapat na
Ngunit pagsapit ng bente at may iniibig, ang Pasko’y ibang iba
Dapat naririyan ang ginigiliw kahit wala na ang iba
Pwede ng kahit walang regalo basta’t haplos mo ang kamay niya.
Bakit nga ba pag tumatanda na mahirap ng makamit ang kasiyahan
Di tulad ng bata, pag may kendi’t tsokolate’y tuwang tuwa na
Ang matanda sa pagsapit ng Pasko minsa’y wala ng gana
Ngunit kapag may iniibig, at nasa kanyang piling, ang Pasko’y parang piyesta
Subalit ang problema’y pumamapasok kapag ang ginigiliw ay out of reach
Ni text ng Merry Christmas! ay di man lang makamit
Parang tuloy ang mukha’y Santa Claus na nalugi
Bakit nga ba ang tiyan ay madaling busugin kaysa damdamin?
No comments:
Post a Comment