had a very interesting talk with a patient..."Sabi kasi ng dati kong doctor, yung sakit ko ay di kayang iexplain at walang exact science, kaya naman nawala ang bilib ko sa mga duktor... Naisip kong alam ng Diyos kung ano'ng sakit ko, at mas naniwala ako na si God ang magpapagaling sa akin. Kaya di na ako nag-follow-up at itinigil ko na lahat ng artificial na gamot. Tanggap ko na ang sakit ko, Doc. Alam ko na binabantayan ako ni Lord. Mas naintindihan ko Siya dahil sa sakit ko. Enlightened ako ngayon dahil na rin sa sakit ko. Pero nitong mga huling araw, inuubo ako kaya nahihirapan ako makatulog...sa totoo lang ayaw kong mag-pacheck-up pero napilit din ako ng kamag-anak ko...tanggalin niyo lang ang ubo ko, masaya na ako."
ME: "Natutuwa po ako na matibay ang faith nyo. Totoo pong limitado ang kaalaman ng mga doktor dahil marami talagang limitasyon sa buhay na ito tulad ng maigsing buhay para makaipon ng halos lahat ng kaalamang makapagpapagaling. Kahit po ang utak nababalot ng bungo. Ganunpaman, mas tumataas ang tsansang mapagaling kayo sa alaga ng doktor dahil ang kaalaman ng doktor ay base sa mga experience ng mga napagaling na at mga masusing pag-aaral. Wag sana po kayong mawalan ng tiwala sa mga duktor dahil kami ay maaari ring maging instrumento ng Diyos para mapagaling kayo at iba pang maysakit. Maganda po na matibay ang pananalig ninyo sa Diyos at sana ganoon din sa mga instrumento Niya. (smile, smile)"
Friday, July 30, 2010
Anak sa Ina
Inaasam-asam mo bang ako’y mabubuo
Nahirapan ka ba nang ipinagbuntis mo ako
Nangarap na ako’y maging babae o lalaki
Nagsuka, nagmanas, nahilo at naglihi?
Napangiti ba kita noong iniluwal mo ako
Sinong kamukha, magaling bang sumuso
Napuyat ba kita sa ingay ng aking iyak
Nagselos ba si ama, ang iyong kabiyak?
Ipinagdasal mo bang ako’y malusog
Nagkatotoo yata’t, nagsimulang bumilog
Pinakain mo ba ako ng mani at saging
Para tumalino at sayo’y mahambing?
Maaga ka bang bumangon sa umaga
Para mayroong masarap na agahan sa lamesa
Magluto, maglaba, magwalis, mamlantya
Maghatid sa akin patungong eskwela?
Nalungkot ka ba nang ako’y nagsimulang mapalayo
Kayod sa trabaho para ako’y mapagkolehiyo
Naghanda ka ba ng paborito kong ulam para maihain
Sa tuwing ako’y uuwi sa weekends na palaging bitin?
Hanggang langit ba ang iyong tuwa na ako’y tapos na
Umakyat sa entablado, nagyabang sa amiga
Nagpasalamat sa Diyos, at napabuntong-hininga –
Salamat sa Diyos, ang anak ko’y walang kapara?
Oo, Ina. Ina oo.
Oo. Lahat iya’y naipadama mo.
Oo. Mapalad ako. Ika’y ina ko.
Ina ika’y isang santo.
Ina, Ina, Ina... Ina kang walang kapara
Ina kang matatag, masipag, mapagpasensiya
Ang pag-ibig mo’y sintamis ng pulot
Ako’y bubuyog na iyong binusog.
Ina, Ina, Ina... walang hanggang pasasalamat
Sa aruga’t pagmamahal ako’y hindi naging salat
Ang iyong haplos, halik, payo, pagod, at pawis
Walang katumbas, wala, wala na, wala nang kaparis.
Sunday, July 18, 2010
Dugtong sa Tula ni Ms. Layeta
ngunit ang isang dula nga ba ay buhay
o isang pangarap na ibabaon ka sa hukay
wala sa ayos, di magawang magsuklay
kaya't umayos ka at simulang magbulay-bulay
ang pag-ibig nga ba'y tulad ng isang bulaklak
bago magbunga kailangang mamukadkad
tulad ba ito ng isang usok dapat muna'y sindihan
totoy na malaro sa apoy, mag-ingat ka
wag kang tataya sa jueteng ng buhay
ang pinapangarap na jackpot ay bulalakaw
wag ka nang umasa, maghanap ng gawaing kaulayaw
pagkat ang kubrador pag kumabig, aray hanggang hukay
matakot ka, mahirap maging kalaro ang pag-ibig!
o isang pangarap na ibabaon ka sa hukay
wala sa ayos, di magawang magsuklay
kaya't umayos ka at simulang magbulay-bulay
ang pag-ibig nga ba'y tulad ng isang bulaklak
bago magbunga kailangang mamukadkad
tulad ba ito ng isang usok dapat muna'y sindihan
totoy na malaro sa apoy, mag-ingat ka
wag kang tataya sa jueteng ng buhay
ang pinapangarap na jackpot ay bulalakaw
wag ka nang umasa, maghanap ng gawaing kaulayaw
pagkat ang kubrador pag kumabig, aray hanggang hukay
matakot ka, mahirap maging kalaro ang pag-ibig!
Subscribe to:
Posts (Atom)