Friday, July 30, 2010

"walang exact science"

had a very interesting talk with a patient..."Sabi kasi ng dati kong doctor, yung sakit ko ay di kayang iexplain at walang exact science, kaya naman nawala ang bilib ko sa mga duktor... Naisip kong alam ng Diyos kung ano'ng sakit ko, at mas naniwala ako na si God ang magpapagaling sa akin. Kaya di na ako nag-follow-up at itinigil ko na lahat ng artificial na gamot. Tanggap ko na ang sakit ko, Doc. Alam ko na binabantayan ako ni Lord. Mas naintindihan ko Siya dahil sa sakit ko. Enlightened ako ngayon dahil na rin sa sakit ko. Pero nitong mga huling araw, inuubo ako kaya nahihirapan ako makatulog...sa totoo lang ayaw kong mag-pacheck-up pero napilit din ako ng kamag-anak ko...tanggalin niyo lang ang ubo ko, masaya na ako."

ME: "Natutuwa po ako na matibay ang faith nyo. Totoo pong limitado ang kaalaman ng mga doktor dahil marami talagang limitasyon sa buhay na ito tulad ng maigsing buhay para makaipon ng halos lahat ng kaalamang makapagpapagaling. Kahit po ang utak nababalot ng bungo. Ganunpaman, mas tumataas ang tsansang mapagaling kayo sa alaga ng doktor dahil ang kaalaman ng doktor ay base sa mga experience ng mga napagaling na at mga masusing pag-aaral. Wag sana po kayong mawalan ng tiwala sa mga duktor dahil kami ay maaari ring maging instrumento ng Diyos para mapagaling kayo at iba pang maysakit. Maganda po na matibay ang pananalig ninyo sa Diyos at sana ganoon din sa mga instrumento Niya. (smile, smile)"

No comments: