Friday, November 27, 2009

Ang Buhay ay PINAKBET





Kalabasa
Manamis-namis
Tulad sa buhay na minsa’y
Masayang awit ang saliw

Ampalaya
Mapait
Kamatayan at sakit
Problemang dulot ay hapis

Okra at Sitaw
Madulas at Mahaba
Ang daan ng buhay ay sadyang madulas
Na ang kasiyahan ay panandalian lamang
Minsan nama’y pagkahaba-haba
Para sa malungkot na panahon na parang walang katapusan

Talong
Matabang
Minsa’y ika’y naliligaw
Di malaman ang papupuntahan

Alin ka man sa mga gulay ng pinakbet ngayon
O nakamtan mo na ang lahat ng gulay; okey lang yan
Tulad ng pinakbet sa kalan
Malapit ka ng maluto at mahain


(Pebrero 23, 2007)
picture downloaded from http://www.flickr.com/photos/chboogs/1853193374/

No comments: